- Tungkol ang artikulong ito sa bilang at pamilang na 0. Para sa ibang gamit ng 0, see 0 (paglilinaw). Para sa pangalan ng Diyos sa Islam, tingnan ang Allah.
Ang
0 (
sero,
wala at
ala [sa kolokyal na pananalita]) (mula sa Kastilang
cero at Ingles na
zero) ay magkaparehong isang
bilang at isang
pamilang. Isa rin itong
glipong sinasalarawan ng bilang na iyon. Ito ang huling pamilang na nilikha sa karamihan ng mga sistema ng bilang. Hindi isang binibilang na bilang ang sero (nagsisimula ang pagbilang sa 1) at isinasalarawan ito sa maraming mga panahon at lugar ng isang patlang o tanda na kakaiba mula sa mga binibilang na mga bilang.