Si
Adan (
Ingles:
Adam,
Hebreo: אָדָם)) ay, ayon sa literal na pagkakaunawa sa
Aklat ng Henesis, ang
unang tao at
unang lalaking nilalang ng
Diyos at naitala sa mga sumunod na mga komentaryong Hudyo, Kristiyano at Islamiko. Si
Eba -- ang pangalawang tao at unang
babae -- ang kaniyang
asawa. Sinuway ni Adan ang kalooban ng Diyos, na naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalanan at kamatayan sa mundo.