Adan at Eba


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Adan at Eba
Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba ang unang lalaki at unang babae -- mga unang tao -- at mga magulang ng sangkatauhan. Si Adan ang pinakaunang tao at ama ng sangkatauhan, at si Eba ang pangalawang tao at ina ng sangkatauhan. Nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok sa lupa ayon sa wangis o kalarawan ng Diyos. Nagmula ang pangalang Adan o Adam mula sa wikang Ebreong nangangahulugang "buhay." Nilikha naman ng Diyos si Eba mula sa mga tadyang ni Adan. Hinango ang katawagang Eba mula sa salitang Ebreong may kahulugang "ina ng lahat ng mga may buhay" o "ina ng lahat ng mga nabubuhay." Iniligay ng Diyos sina Adan at Eba sa Halamanan ng Eden subalit napalayas sapagkat kinain nila ang ipinagbabawal na bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.