Ang
Aprika (
Ingles:
Africa), ang pangalawang pinakamalaking
kontinente sa
daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng
Asya. May sukat na mga 30,244,050
km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga
Aprikano (lalaki) at
Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.