Akhetaten


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Amarna
Ang Amarna ( al-‘amarnä), na karaniwang nakilala bilang el-Amarna at bilang ang maling katawagan na Tell el-Amarna , ay isang malawak na pook na pang-arkeolohiya sa Ehipto na kumakatawan sa mga labi o mga guho ng kabiserang lungsod na inilunsad at itinayo ng paraon na si Akhenaten ng kahulihan ng ika-18 dinastiya ng Ehipto (sirka 1353 BC), at kaagad na nilisan at pinabayaan pagdaka. Ang pangalan para sa lungsod na ginagamit ng sinaunang mga Ehipsiyo ay nakasulat bilang Akhetaten (o Akhetaton — sari-sari ang mga transliterasyon), partikular na sa wikang Ingles. Ang Akhetaten ay mayroong kahulugan na "abot-tanaw ng Aten" o "kalawakan ng Aten". Ang Amarna ay nasa silangang pilapilan o pampang ng Ilog Nilo sa pangmakabagong panahon na lalawigan ng Minya sa Ehipto.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.