Akkadian language


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang Akkadiano
Ang Wikang Akkadiano (lišānum akkadītum, 𒀝𒂵𒌈 ak.kADû) (o Accadian, Assyro-Babylonian) ay isang ekstinkt na wikang Semitiko(bahagi ng pamilya ng wikang Aproasyatiko) na sinalita sa sinaunang Mesopotamia. Ito ang pinakamaagang pinatunayang wikang Semitiko. Ito ay gumamit ng sistema ng pagsulat na kuneiporma na orihinal na ginamit upang isulat ang sinaunang wikang Sumeryo na hindi nauugnay na hiwalay na wika. Ang pangalan nito ay hinango mula sa siyudad ng Akkad na isang pangunahing sentro ng Semitikong kabihasnang Mesopotamiano noong Imperyong Akkadiano (ca. 2334–2154 BCE) bagaman ang wika ay nauna sa pagkakatatag ng Akkad. Ang mutual na impluwensiya sa pagitan ng wikang Sumeryo at Akkadiano ay nagtulak sa mga skolar na ilarawan ang parehong mga wika bilang isang sprachbund. Ang mga angkop na pangalang Akkadiano ay unang pinatunayan sa mga tekstong Sumeryo mula ca. huli ng ika-29 siglo BCE. Mula sa ikalawang kalahati ng ikatlong milenyo BCE(ca. 2500 BCE), ang mga tekstong buong isinusulat sa Akkadiano ay nagsimulang lumitaw. Ang mga daan daang libong mga teksto at mga pragmento ng teksto ay nahukay. Ito ay sumasaklaw sa isang malawakang tradisyon ng salaysay na mitolohikal, mga tekstong pambatas, mga akdang pang-siyensiya, mga sagutan, mga pangyayaring politikal at militaryo at marami pang iba. Noong ikalawang milenyo BCE, ang dalawang mga anyo ng wika ay ginagamit sa Assyria at Babilonya na respektibong tinatawag na Asiryo at Babilonyano. Ang Akkadiano ang lingua franca sa loob ng mga siglo sa Mesopotamia at Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay nagsimulang bumagsak noong mga ika-8 siglo BCE na pinawalang halaga ng wikang Aramaiko noong Imperyong Neo-Asiryo. Noong panahong helenistiko, ang wika ay malaking nakalimita sa mga skolar at saserdoteng gumagawa sa mga templo sa Assyria at Babilonya. Ang huling dokumentong Akkadianong kuneiporma ay mula ika-1 siglo CE.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.