Aklat ng Eksodo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Aklat ng Exodo
Ang Aklat ng Exodo o Exodus ay ang ikalawang aklat ng Torah o Pentateuko, ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Hebreo, ito'y tinatawag na Shemot (שְׁמוֹת) na galing sa pariralang Ve-eleh shemot, ואלה שמות, "At ito ang mga pangalan". Nangangahulugang "Paglabas" ang salitang Exodo na hinango mula sa wikang Griyego. Nilalahad sa librong ito ang paglabas ng bayang Israel mula sa Ehipto noong ika-13 daantaon habang pinangangasiwaan ni Moises. Karugtong ito ng kasaysayan ng mga Israelita na isinalaysay sa Aklat ng Henesis (ang kanilang pagkaalipin sa ilalim ng mga Ehipsyo, pagtawid nila sa Dagat na Pula, at ang paglalakbay sa ilang para marating ang Bundok Sinai, kung saan gumawa ang Diyos ng pakikipagtipan sa bayan ng Israel). Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang Sampung Utos o Batas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.