Ang
Henesis o
Genesis (
Griyego: Γένεσις, kahulugan: "pagkasilang", "paglikha", "sanhi", "simula", "pinaghanguan", "ugat", o "pinagmulan") ay ang unang aklat ng
Torah,
Tanakh at ng
Kristiyanong Lumang Tipan. Tinatawag din itong
Unang Aklat ni Moises, ayon sa tradisyong
Hudyo, dahil pinaniniwalaang sinulat ito ni
Moises. Laganap na pananaw na Abramahiko na inspirado ito ng "Banal" o "isinulat mismo ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao," kaya pinaniniwalaan ring may tiyak na katotohanan at walang pagkakamali ang aklat na ito.