Ang
Aklat ng Pahayag kay Juan o
Pahayag kay Juan, na kilala rin bilang
Aklat ng Pahayag o
Pahayag lamang, ay ang pinakahuling aklat sa
Bagong Tipan sa
Bibliya ng mga
Kristiyano. Nakikilala rin ito bilang
Apokalipsis ni Juan o payak na
Apokalipsis (
Hula) lamang. Ang aklat na ito ay pinaniniwalaan na isinulat sa kapanahunan ni Emperador
Domitian o sa panahon ni Emperador
Nero. Naglalaman ito ng mga simbolismo at mga pahayag o
pagsisiwalat na apokaliptiko upang itago ang pag-atake nito sa
Imperyo Romano upang makaiwas sa pag-uusig ang may akda nito.