Ang
Mga Gawa ng mga Alagad o
Ang Mga Gawa ng mga Apostol ay isang aklat sa
Bagong Tipan ng
Bibliya. Sinasabing ipinagpapatuloy nito ang
Ebanghelyo ayon kay San Lucas. Pinaniniwalaang nasulat ang aklat na ito noong mga 63 A.D. (bagaman 68 A.D. o sa pagitan ng 75 A.D. at 85 A.D. ayon sa iba). Sinasaklawan ng mga pahina nito ang buhat sa pag-akyat ni Hesus sa kalangitan magpahanggang sa pangalawang taon ng pagkakabilanggo ni
Pablong Alagad sa
Roma. Inakdaan ito ni
San Lucas, na kapanalig at kasama ni Pablo ang Alagad. Tinatawag din itong
Ebanghelyo ng Espiritu Santo, sapagkat pinatnubayan ng
Espiritu Santo ang mga unang alagad ni Hesus. Dumating sa mga mananampalataya ang Espiritu Santo noong araw ng
Pentecostes.