Ang
Aklat ni Ezekiel,
Aklat ni Esekiel, o
Aklat ni Ezequiel ay isa sa
mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa
Lumang Tipan ng
Bibliya. Isinulat ito ng propetang si
Ezekiel kaya't nakapangalan din sa kaniya. Matutunghayan sa aklat na ito ang pinakakapatda-patdang mga kaganapan sa kabuoan ng Bibliya. Ayon sa aklat ni Ezekiel, ang propetang si Ezekiel na ipinatapon sa
Babilonya ay nakaranas ng sunod sunod na pitong mga pangitan ng 22 taon mula 593 hanggang 571 BCE. Ang mga pangitain at ang aklat ay nakaistruktura sa mga tatlong tema: paghatol sa Israel(Kapitulo 1-24), paghatol sa mga bansa(Kapitulo 25-32), at mga hinaharap na pagpapala sa
Israel(Kapitulo 33-48).