Ang
Aklat ni Job ay isang aklat sa
Lumang Tipan ng
Bibliya. Tungkol ito sa isang lalaking nagngangalang Job at mula sa
Edom. Tinawag ang aklat na ito bilang "pinakamalalim at pinakamakapampanitikang gawa sa kabuoan ng Lumang Tipan." Ilan ang mga bahagi ng Aklat ni Job sa mga sinaunang pagtatangka o pagsubok na mailarawan ang suliranin hinggil sa kasamaan, partikular na ang pagtunghay sa pagkakaroon ng kasamaan o paghihirap sa mundo at ang pagkakaroon ng
Diyos.