Ang
alagad ay mga tagasunod ng isang pinuno, paniniwala,
pananampalataya, o maging ng agham at sining. Katumbas ito ng
apostol o
disipulo, katulad ng sinuman sa mga
alagad ni Hesus. Nilalarawan bilang mga natatanging pinuno ang mga taong pinili ni Hesus para maging mga alagad niya, na nagkaroon ng tungkuling ipahayag ang balita hinggil kay
Kristo. Sa una, pumili lamang ng
labindalawang mga alagad si Hesus, ngunit nang lumaon naging mga tagasunod din ni Hesukristo sina
Pablo ang Alagad at ilan pang iba.