Ang Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasama sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Denmark at ng Dagat Baltic sa hilaga; ng Poland at Czechia sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamalaking populasyon na kasapi ng Unyong Europeo, at ikatlo sa may pinakamaraming nandarayuhan.