Alexandria, Ehipto


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Alehandriya
Ang Alehandriya o Alexandria (اسكندريه, in Egyptian Arabic) [ see other names] ang ikalawang pinakamalaking siyudad ng Ehipto na may populasyong 4.1 milyon na lumalawig ng mga sa kahabaan ng Dagat Mediterraneo sa hilagang sentral na bahagi ng Ehipto. Ito ang pinakamalaking siyudad na direktang nasa baybaying Mediterraneo. Ang Alehandriya ang pinakamalking puerto ng Ehipto na nagsisilbi sa tinatayang mga 80% ng mga inaangkat at niluluwas na mga kalakal. Ito ay isang mahalagang sentrong pang-industriya dahil sa natural na gaas nito at sa linyang pantubo ng langis mula sa Suez. Ito ay isa ring mahalagang resort na panturista. Ang Alehandriya ay itinatag sa palibot ng isang maliit na paraonikong baya noong mga 331 BCE ni Dakilang Alejandro. Ito ay nanatiling kabisera ng Ehipto sa halos isang libong taon hanggang sa pananakop na Muslim ng Ehipto noong 461 CE nang ang bagong kabisera ay itinatag sa Fustat na kalaunang sinipsip sa Cairo. Ang Sinaunang Alehandriya ay mahusay na kilala sa paro ng Alehandria(Pharos) na isa sa Pitong mga Kamangha manga ng Sinaunang Daigdig, sa Aklatan ng Alehandriya na pinakamalaking aklatan sa sinaunang daigdig ngunit pinalitan na ngayon ng moderong Bibliotheca Alexandrina at ang mga Katakumba ng Kom el Shoqafa na isa sa Mga Kamangha mangha ng Mga Kalagitnaang Panahon. Ang patuloy na arkeolohiyang maritima sa puerto ng Alehandriya na nagsimula noong 1994 ay naghahayag ng mga detale ng Alehandriya na parehong bago ang pagdating ni Dakilang Alejanadro nang ang isang siyudad na pinangalanang Rhacotis ay umiiral doon at noong panahon ng Dinastiyang Ptolomeo. Mula sa huli nang ika-19 siglo, ang Alehandriya ay naging isang pangunahing sentro ng internasyon na industriya na pambarko at isa sa pinakamahalagang mga sentro ng kalakalan sa mundo na parehong dahil sa ito ay nakinabang mula sa madaling koneksiyong panlupa sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Dagat Pula at sa lukratibong kalakalan ng bulak na Ehipsiyo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.