Ang
Amarna (
al-‘amarnä), na karaniwang nakilala bilang
el-Amarna at bilang ang maling katawagan na
Tell el-Amarna , ay isang malawak na pook na
pang-arkeolohiya sa
Ehipto na kumakatawan sa mga labi o mga guho ng kabiserang lungsod na inilunsad at itinayo ng
paraon na si
Akhenaten ng kahulihan ng
ika-18 dinastiya ng Ehipto (sirka 1353 BC), at kaagad na nilisan at pinabayaan pagdaka. Ang pangalan para sa lungsod na ginagamit ng
sinaunang mga Ehipsiyo ay nakasulat bilang
Akhetaten (o
Akhetaton — sari-sari ang mga transliterasyon), partikular na sa wikang Ingles. Ang Akhetaten ay mayroong kahulugan na "abot-tanaw ng
Aten" o "kalawakan ng Aten". Ang Amarna ay nasa silangang pilapilan o pampang ng
Ilog Nilo sa pangmakabagong panahon na lalawigan ng Minya sa Ehipto.