Si
Akhenaten (; na binabaybay din bilang
Echnaton,
Akhenaton,
Ikhnaton, at
Khuenaten; na nangangahulugang "buhay na espirito ni Aten") na kilala bago ang kanyang ikalimang taon ng paghahari bilang
Amenhotep IV (na minsan ay ibinibigay sa anyong Griyegong
Amenophis IV, at nangahulugang
Si Amun ay Nasiyahan) ang
Paraon ng
Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto na namuno sa loob ng 17 taon at namatay noong 1336 BCE o 1334 BCE. Siya ay mahusay na kilala sa kanyang paglisan mula sa tradisyonal na
politeismo ng
Sinaunang Ehipto at pagpapakilala ng pagsambang nakasentro kay
Aten na tinatawag na
Atenismo at inilalarawan na
monoteistiko o proto-monoteistiko. Ang simulang inskripsiyon ay nagtutulad kay Aten sa araw kumpara sa mga bituin at kalaunan, ang opisyal na wika ay umiwas na tawagin si Aten na
isang diyos na nagbibigay kay Aten na katayuan na mataas sa mga diyos. Tinangka ni Akhenaten na magdulot ng isang paglisan mula sa
Panteon na Ehipsiyo ngunit sa wakas ay hindi ito tinanggap. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang tradisyonal na relihiyon ay unti unting ibinalik. Pagkatapos ng ilang mga dosenang taon, ang mga pinuno na walang maliwanag na mga karapatan ng paghahali sa Ikalabingwalong dinastiya ay nagtatag ng bagong dinastiya at kanilang siniraang puri si Akhenaten at ang kanyang mga kahalili. Si Akhenaten ay tinawag na "ang kaaway" sa mga talaang arkibo ng Sinaunang Ehipto. Si Akhenaten ang ama ni paraon
Tutankhamun sa kanyang biolohikal na kapatid na babae.