Ang
Amerikanong Digmaang Sibil (1861–1865) ay isang
digmaang sibil sa
Estados Unidos ng Amerika. Labing-isang mga
estadong nang-aalipin sa Katimugan ang nagpahayag ng kanilang pagtiwalag mula sa Estados Unidos at binuo ang
Konpederadong mga Estado ng Amerika (ang Konpederasyon). Pinamunuan ni Jefferson Davis, nilabanan nila ang pederal na pamahalaan ng Estados Unidos (ang Unyon), na sinusuportahan ng lahat ng mga malalayang mga estado at ang mga estado sa hangganan sa hilaga.