Amun-Re


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Amun-Re
Si Amun-Re, binabaybay ding Amun-Rê, o Amun-Ra, ay isang diyos sa sinaunang Ehipto. Siya ang diyus-diyosan ng pinagsamang hangin at araw. Siya ang tagapagpasinaya, katauhan, o kaanyuan ng iba pang mga diyus-diyosan ng matandang Ehipto. Noong panahon ng paghahari ni Paraong Amenhotep IV (kilala rin bilang Akhenaten), binuwag ang pagsamba kay Amun-Re, na napalitan ng pagsampalataya sa iisang diyos na si Aten, ang disko ng araw. Kilala rin siya bilang si Amun, Yamānu, Amon, Amoun, Amen, Imen, Ammon (Griyego: Ἄμμων), at Hammon (Griyego: Ἅμμων).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.