Ang pamilya
Anacardiaceae (tinatawag ding
pamilya ng kasoy o kaya
pamilya ng sumac) ay isang
pamilya ng mga
namumulaklak na halaman. Ang
bunga nito ay tiatawag
drupe na maaaring maglabas ng urushiol, isang pang-irita. Maraming sari ang napapaloob dito, karamihan ay may pang-ekonomikong kahalagahan. Ilan sa mga tanyag na mga halamang bumubuo dito ay ang
kasoy (sa saring
Anacardium),
mangga, poison ivy, sumac, Cotinus, at marula. Ang saring
Pistacia (kung saan napapaloob ang
pistachio at punong mastic) ay kalimitang napapaloob sa pamilyang ito ngunit nilalagay din ito sa sarili nilang pamilya ng Pistaciaceae.