Ang terminong
anatomikong mga modernong tao (Ingles:
anatomically modern humans o
AMH) sa paleoantropolohiya ay tumutukoy sa sinaunang mga indibidwal ng
Homo sapiens na may hitsurang umaayon sa saklaw ng mga
penotipo sa mga modernong tao. Ang
anatomikong mga modernong tao(AMH) ay nag-
ebolb mula sa arkaikong Homo sapiens sa
Gitnang Paleolitiko mga 200,000 taon ang nakalilipas. Ang paglitaw ng
anatomikong mga modernong tao(AMH) ay nagmarka ng pagsisimula ng subespesyeng
Homo sapiens sapiens, i.e. ang subespesye ng
Homo sapiens na kinabibilangan ng
lahat ng mga modernong tao. Ang pinakamatandang mga labing
fossil ng isang
anatomikong mga modernong tao(AMH) ang mga labing Omo na may petsang 196,000 tao at kinabibilangan ng dalawang mga parsiyal na mga
bungo gayundin din ang braso, hita, paa, at mga buto ng pelbis. Ang ibang mga fossil ay kinabibilangan ng
Homo sapiens idaltu mula sa Herto sa
Ethiopia na may edad na 150,000 taon at ang mga labi mula sa
Israel na may edad na 90,000 taon.