Anatomiya ng tao


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Anatomiya ng tao
Ang anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral ng morpolohiya ng may-gulang na katawan ng tao. Hinati-hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya (gross anatomy) at mikroskopikong anatomiya (microscopic anatomy). Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o mikroskopo. Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng histolohiya (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu), at ng sitolohiya (ang pag-aaral ng mga selula).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.