Ang
Anguidae ay isang malaki at dibersong pamilya ng mga
butiki na katutubo sa hilagaang hemispero. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga
mabagal na uod, mga
butiking salamin, at mga
buwayang butiki. Ang Anguidae ay nahahati sa tatlong mga subpamilya at naglalaman ng 94 espesye sa walong
henera. Ang mga ito ay may matitigas na osteoderm sa ilalim ng mga kaliskis nito at marami sa mga espesye nito ay may nabawasan o walang mga
biyas o hita na nagbibigay sa mga ito ng isang hitsurang mukhang
ahas. Gayunpaman, ang ilang mga espesye nito ay may buong mga hita. Ang mga anguid ay karniboroso at insektiboroso at tumitira sa isang malawak na sanklay ng iba ibang mga habitat. Ito ay kinabibilangan ng mga espesyeng parehong mga nangingitlog at nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga espesye nito ay panlupain bagaman ang ilan ay umaakyat sa mga puno. Ang mga anguid ay may isang relatibong mahusay na fossil rekord. Ang pinakamatandang alam na anguid ang
Odaxosaurus na lumitaw sa Huling Campanian ng Canada na tinatayang mga 75 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga anguid ay relatibong karaniwang bilang mga fossil sa
Huling Kretaseyoso at
Paleohene ng kanluraning Hilagang Amerika. Ang
Odaxosaurus at iba pang mga Huling Kretaseyosong anguid ay nagpapakita ng maraming mga katangian na matatagpuan sa mga nabubuhay na anguid tulad ng tulad ng
pait na mga ngipin at mga platong armor sa balat na nagmumungkahi ng isang mahabang kasaysayang
ebolusyonaryo para sa pangkat na ito. Ang mga anguid ay partikular na diberso sa panahong
Paleoseno at
Eoseno sa Hilagang Amerika. Ang ilang espesye gaya ng
Glyptosaurus ay lumago sa isang malaking sukat at nag-ebolb ng isang mataas na espesyalisadong dumudurog na ngipin. Ang matagal na panahong fossil rekord para sa Anguidae sa Hilagang Amerika ay nagmumungknahing ang pangkat na ito ay malamang nag-ebolb sa Hilagang Amerika sa panahong
Kretaseyoso bago ang pagkalat nito sa Europa sa panahong
Paleohene.