Ang
Anguis, o
mabagal na uod ay isang maliit na
henus ng
butiki sa pamilyang
Anguidae. Ito ay may dalawang espesye. Bagaman ang mga ito ay
butiki, ang mga ito ay kumpletong nawalan ng mga
biyas o hita at kadalasang maling napagkakamalang mga
ahas. Ang mga ito ay mababagal gumalaw at madaling mahuli. Gaya ng maraming mga
butiki, ang mga mabagal na uod ay makapaglalaglag ng mga buntot nito upang ilihis ang mga maninila nito. Ang buntot nito ay muling lumalago ngunit bihirang sa haba ng orihinal na buntot nito. Ang mga mabagal na uod ay maitatangi mula sa mga
ahas sa ilang mga katangian: ang mga takipmata(eyelid) nito na wala sa mga ahas, ang maliit na bukasan sa tenga nito na wala rin sa mga ahas at mga dila nito na hugis V kesa sa kumpletong hati sa dalawang linya sa ahas. Ang mga ito ay protektadong espesye sa
British Isles.