Ang Tangway ng Arabya (Arabe: شبه الجزيرة العربية šibh al-jazīra al-arabīya o جزيرة العرب jazīrat al-arab), Arabia, Arabistan, at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang tangway o peninsula sa Timog-Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at Asya. Isang mahalagang habagi ng Gitnang Silangan ang pook at may isang importanteng papel na heopolitiko dahil sa kanyang maraming reserba ng petrolyo o langis at likas na gas. Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ayon kay Jose Abriol, may pook na Evila o Havilah ang tawag at pinaniniwalaang tumutukoy sa Arabya (o Arabia).