Ang
Kaharian ng Saudi Arabia ( ) o
Saudi at sa Arabe bilang
as-Su‘udiyah , ay ang pinakamalaking estado sa
Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng
Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Daigdig ng Arabia. Naghahanggan ito sa
Jordan, at sa
Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa
Kuwait,
Qatar, at sa
United Arab Emirates sa silangan. Sa
Oman naman sa timog silangan, at sa
Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa
Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang
Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang
Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.