Ang
Arhentina (
Kastila at
Ingles:
Argentina) ay isang bansa sa timog
Timog Amerika, ay matatagpuan sa pagitan ng
Andes sa kanluran at ng timog
Karagatang Atlantiko sa silangan. Hinahanggan ito ng
Paraguay at
Bolivia sa hilaga,
Brazil at
Uruguay sa hilagang-silangan, at
Chile sa kanluran. Pormal na tinatawag ang bansa na
República Argentina (Republikang Arhentino) habang ginagamit naman ang anyong
Nación Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo.