Si
Aristotélis (
sulat Griyego: Αριστοτέλης;
Latin:
Aristoteles) (384 BCE–
Marso 7, 322 BCE) ay isang
Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni
Dakilang Alexander. Kasama ni Plato, itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin. Nagsulat siya ng mga maraming aklat sa
physics,
panulaan,
zoology,
lohika,
pamahalaan, at
biology. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa
agham, inaral ni Aristotél
is ang
anatomiya,
astronomiya,
embriyolohiya,
heograpiya,
heolohiya,
meteorolohiya,
pisika, at
soolohiya. Sa pilosopiya, nagsulat siya sa
estetika,
ekonomiks,
etika,
pamahalaan,
metapisika,
politika,
sikolohiya,
sayusay, at
teolohiya. Naging paksa niya rin ang
edukasyon, mga banyagang kaugalian,
panitikan, at panulaan. Masasabing bumubuo ang kaniyang mga pinagsamang mga akda ng isang
encyclopedia ng sinaunang Gryegong kaalaman.