Aristotle


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Aristoteles
Si Aristotélis (sulat Griyego: Αριστοτέλης; Latin: Aristoteles) (384 BCE–Marso 7, 322 BCE) ay isang Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni Dakilang Alexander. Kasama ni Plato, itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin. Nagsulat siya ng mga maraming aklat sa physicspanulaanzoologylohikapamahalaan, at biology. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa agham, inaral ni Aristotélis ang anatomiyaastronomiyaembriyolohiyaheograpiyaheolohiyameteorolohiyapisika, at soolohiya. Sa pilosopiya, nagsulat siya sa estetikaekonomiksetikapamahalaanmetapisikapolitikasikolohiyasayusay, at teolohiya. Naging paksa niya rin ang edukasyon, mga banyagang kaugalian, panitikan, at panulaan. Masasabing bumubuo ang kaniyang mga pinagsamang mga akda ng isang encyclopedia ng sinaunang Gryegong kaalaman.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.