Ang
Arko ni Noe ay isang
daong o malaking bangkang ginamit ni
Noe upang sagipin ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya sa paparating na bahang ipadadala ng diyos na si
Yahweh sa mundo dahil sa kasamaan nito. Ang salaysay na ito ay matatagpuan sa
Aklat ng Henesis (Henesis 6-10) sa
Lumang Tipan ng
Bibliya. May sukat na 150 x 25 x 15 mga metro ang sasakyang arko ni Noe. Mayroon itong
bukasan sa paligid, sa gawing itaas, na ginagamit na daanan ng hangin at liwanag. Ang kwentong ito ay itinuturing ng mga siyentipiko at skolar ng
Bibliya na isang
mito o hindi totoo dahil bukod sa walang ebidensiya ang kwentong ito ay sinasalungat din ito ng
agham at
heolohiya. Ayon sa mga skolar, ito ay hinango mula sa mas naunang isinulat sa
Bibliya na
Epiko ni Gilgamesh.