Ang Republika ng Armenya (Armenyano: Հայաստան , Hayastan, o Hayq, Ingles: Armenia) ay isa sa tatlong bansang sa katimugang Caucasus, sa pagitan ng Dagat Itim (Black Sea) at ng Dagat Caspian. Pinalilibutan ito ng Turkey sa kanluran, Georgya sa hilaga, Azerbaijan sa silangan, at ng Iran at Naxichevan (Naxçıvan), isang bahagi ng Azerbaijan, sa timog. Ang Armenya ay kasapi sa Council of Europe at ng Commonwealth of Independent States (CIS)- Mga bansa na dating kasapi ng nabulwag na Unyong Sobyet.