Arsobispo ng Canterbury


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Arsobispo ng Canterbury
Ang Arsobispo ng Canterbury ang nakatatandang obispo at pangunahing pinuno ng Simbahan ng Inglatera na simbolikong pinuno ng pandaigdigang Komunyong Anglikano at obispo ng diocese ng Diocese ng Canterbury. Ang kasalukuyang arsobispo ay si Justin Welby. Siya ang ika-105 sa linyang bumabalik pa ng higit sa 1400 taon kay Agustin ng Canterbury na "apostol sa Ingles" noong 597 CE. Mula sa panahon ni Agustin hanggang ika-16 siglo CE, ang mga Arsobispo ng Canterbury ay may buong komunyon sa Sede ng Roma at kaya ay karaniwang tumatanggap ng pallium. Noong, Repormasyong Ingles, ang Simbahan ng Inglatera ay kumalas mula sa kapangyariahan ng Papa ng Simbahang Katoliko Romano. Ito ay temporaryo sa simula sa ilalim ni Henry VIII at Edward VI at kalaunang naging permanente noong pamumuno ni Reyna Elizabeth I.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.