Atenismo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Atenismo
Ang Atenismo o ang Heresiyang Amarna ay tumutukoy sa mga pagbabagong relihiyoso na nauugnay sa Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto sa ilalim ni Paraon Amenhotep IV na mas kilala sa kanyang ginamit na pangalang Akhenaten. Ang Atenismo ang relihyon ng estado ng Sinaunang Ehipto noong 1400 BCE at sinanay sa loob ng 20 taon bago ibalik ng mga kalauanang Paraon ang mga tradisyonal na diyos ng mga Ehipsiyo. Ang mga Paraon na nauugnay sa Atenismo ay binura sa mga rekord ng Ehipto. Simulang ipinakilala ni Amenhotep IV ang Atenio sa ikalimang taon ng kanyang paghahari(1348/1346 BCE) at itinaas si Aten sa katayuan ng supremang diyos pagkatapos na payagan sa simula ang patuloy na pagsamba ng mga tradisyonal na diyos ng Sinaunang Ehipto. Upang bigyang diin ang pagbabago, ang pangalan ni Aten ay isinulat sa anyong cartouche na normal na nakareserba sa mga Paraon na isang inobasyon sa Atenism. Ang pagbabagong relihiyosong ito ay lumilitaw na kasabay ng pagpoproklama ng pistang Sed na medyo isang jubilee ng hari na nilalayon upang palakasin ang mga kapangyarihang mula sa diyos ng mga Paraon. Ito ay tradisyonal na idinadaos sa ikalabingtatlong taon ng paghahari ng Paraon at posibleng isang pista bilang parangal kay Amenhotep III na pinaniniwalaan ng ilang mga Ehipsiyon na may kapwa paghahari sa kanyang anak na si Amenhotep IV ng dalawa hanggang labindalawang taon. Ang Ikalimang taon ang pinaniniwalaang nagmamarka ng pagsisimula ng pagtatayo ni Amenhotep IV ng isang bagong kabisera na Akhetaten(Horison ng Aten) sa lugar na kilala ngayon bilang Amarna. Ang ebidensiya nito ay lumilitaw sa tatlong mga hangganang stelae na ginagamit ang mga hangganan ng bagong kabiserang ito. Sa panahong ito, opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhentaen(Umaayon kay Aten) bilang ebidensiya ng kanyang bagong pagsamba. Ang petsang ng pangyayaring ito ay tinatayang Enero 2 nang taong ito. Sa ikapitong taon ng kanyang paghahari (1346/1344 BCE ), ang kabisera ay inilipat mula sa Thebes tungo sa Akhetaten(malapit sa modernong Amarna) bagaman ang pagtatayo ng siyudad ay tila nagpatuloy ng dalawa pang mga taon. Sa paglilipat ng kanyang korte mula sa mga tradisyonal na sentrong seremonyal, si Akhenaten ay naghuhudyat ng isang dramatikong pagbabago sa pokus kapangyarihang relihiyoso at politikal. Ang pagkilos na ito ay naghiwalay sa Paraon at korte nito mula sa impluwensiya ng mga saserdote(pari) at mula sa mga tradisyonal na sentro ng pagsamba. Gayunpaman, ang kanyang pag-aatas ay may malalim na kahalagahang relihiyoso na kinuha kasabay ng kanyang pagbabago ng pangalan at posibleng ang paglipat sa Amarna ay nangangahulugan ring bilang isang hudyat ng simbolikong kamatayan at muling kapanganakan ni Akhenaten. Pinangasiwaan rin Akhenaten ang pagtatayo ng ilan sa mga pinakamalalaking templong kompleks sa Sinaunang Ehipto kabilang ang isa sa Karnak, at isa sa Thebes malapit sa lumang templo ni Amun. Sa ikasiyam na taon ng kanyang paghahari ( 1344/1342 BCE ), pinalakas ni Akhenaten ang rehimeng Atenista na nagsasaad na si Aten ay hindi lamang supremang diyos kundi ang tanging diyos at isang pangkalahatang diyos. Kanyang pinagbawal ang pagsamba ng ibang lahat na mga diyos kabilang ang pagsamba sa mga idolo kahit sa pribado sa mga tahanan ng tao na isang arena na hindi nakaraang pinakiesa mga terminong relihiyoso. Si Aten ay binanggit ni Akhenate sa mga panalangin gaya ng Dakilang Himno kay Aten: "O Tanging Diyos na walang ng iba maliban sa kanya". Ang mga Ehipsiyo ay dapat sumamba kay Akhenaten at tanging sina Akhenaten at Nefertiti lamang ang maaaring sumamba kay Aten. Isinagawa ni Akhenaten ang ritwal na pagpatay ng hari ng lumang supremang diyos na si Amun at nag-atas ng pagsira sa mga templo ni Amun sa buong Ehipto at ang lahat ng mga lumang diyos. Ang salita para sa "mga diyos"(plural) ay ipinagbawal at ang mga inkripsiyon ay natagpuan kung saan kahit ang hieroglyph ng salita para sa "ina" ay inalis at muling isinulat sa mga senyas na alpabetiko dahil ito ay may parehong tunod sa Sinaunang Ehipto gay ang tunog ng pangalan ng diyosang Theban na si Mut. Ang pangalan ni Aten ay isinulat rin ng iba pagkatapos ng kanyang ikasiyam na taon upang bigyang diin ang radikalismo ng bagong rehimeng ito. Ang pangalan ni Aten ay hindi na isinulat gamit ang simbolo ng may sikat na diskong pang-araw kundi ay binabaybay ng ponetiko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.