Ang henus na
Australopithecus (
Latin australis "ng timog",
Griyego πίθηκος
pithekos "bakulaw") ay isang grupo ng hindi na umiiral na mga
hominid, mga
gracile australopithecines, na ninuno ng henus na
Homo. Ayon sa Proyektong Henoma ng Tsimpansi, ang tao (
Ardipithecus,
Australopithecus, at
Homo) at ang
tsimpansi(
Pan troglodytes at
Pan paniscus) ay may parehas na angkang naghiwalay mula sa isang parehas na ninuno noong 5-6 milyong taon na ang nakalipas.