Ang mga
Aztec,
Aztek, o
Astek at
Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na
Katutubong Amerikano na nanirahan sa
Mehiko. Ang
Imperyong Aztec,
Imperyong Astek, o
Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.