Bagong Selanda


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
New Zealand
Ang New Zealand o Bagong Selanda (Kastila: Nueva Zelanda na nagmula sa salitang Olandes na Nova Zeelandia) o Aotearoa Maori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island) at Timog Pulo (Ingles: South Island) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang Bagong Selanda ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang Bagong Selanda sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New CaledoniaFiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Bagong Selanda ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Maori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Maori na Polinesyo at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.