Ang
Bagong Tipan (sa
Griyego: Καινή Διαθήκη, Kainē Diathēkē) ay ang huling bahagi - ang pinakahuli sa tatlong pangunahing pangakat - ng
Bibliya ng mga
Kristiyano, kasunod ng
Lumang Tipan. Minsang tinatawag din itong
Testamentong Griyego o
Mga Kasulatang Griyego. Isinulat sa Griyegong Koine Greek ng iba't ibang mga hindi kilalang manunulat ang mga orihinal na teksto ng Bagong Tipan, sa pagitan ng sirkang AD 45 at AD 140. Unti-unting pinagsama-sama sa isang aklat ang 27 aklat na nakapaloob sa Bagong Tipan, sa loob ng maraming siglo. Naglalaman ito ng 4 na mga
ebanghelyo, 21 mga
sulat, at isang aklat na apokaliptiko, ang pinakahuling aklat sa Bagong Tipan. Tinatawag din itong
Bagong Testamento. Sa Ingles, tinatawag na
testament ang salitang
tipan kaya't may saling
Old Testament para sa
Lumang Tipan at
New Testament para sa
Bagong Tipan. Hinango ang
testament ng Ingles at ang
testamento ng
Kastila at
Tagalog mula sa
testamentum ng
wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan", at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang
Diyos at ang mga sinaunang
mga Israelita at unang mga
Kristiyano.