Ang
Balkan ay ang makasaysayang pangalan ng
heograpikong rehiyon ng timog-silangang
Europa. Nakuha ng rehiyon ang pangalan nito mula sa Mga Bundok ng Balkan, na bumabaybay sa gitna ng
Bulgaria hanggang sa silangang
Serbia. May pinagsamang lawak ang rehiyon na 550,000
kilometro kuadrado at may populasyon na 55 milyong katao.