Ang
Bambang ng Inglatera (
Ingles:
English Channel;
Pranses:
la Manche) ay isang tangkay ng
Karagatang Atlantiko na naghihiwalay sa (pulo ng)
Gran Britanya at sa hilagang
Pransiya, at nakaugnay sa
Dagat Hilaga patungo muli sa Atlantiko. May haba ito ng mahigit-kumulang 650 kilometro at ang lawak nito ay paiba-iba mula sa pinakamalawak na 240 km hanggang sa pinakamakipot na 34 km lamang sa
Kipot ng Dover. Ito ay ang pinakamaliit sa mga dagat na mabababaw na nakapaligid sa kontinente ng
Europa, na may sakop sa mahigit-kumulang 75,000 km
2.