Ang
Banal na Santatlo ang interpretasyon ng
Simbahang Katoliko Romano ng doktrinang
Trinidad na pinaunlad ng
mga amang Capadocio noong ika-4 na siglo CE at pinagtibay sa
kredong Niceno sa
Konseho ng Constantinople noong 381 CE:
Ang pananaw ng
mga amang Capadocio ay ang
Diyos ay "
tatlong hypostasis sa isang ousia". Noong ika-4 na siglo CE, may ilang kalituhan tungkol sa mga partikular na terminong ito. Para sa mga teologo ng
Simbahang Kanluranin (Romano Katoliko), ang hypostasis ay kasingkahulugan ng Latin na substantia(substansiya) at nagpakahulugan sa pananaw na 'tatlong hypostasis' sa pagkaDiyos ng mga teologo ng
Simbahang Silanganin(Ortodokso) bilang 'tatlong mga substansiya' o isang triteismo. Ang pananaw ng mga teologo ng
Simbahang Kanluranin ay ang "
Diyos ay tatlong mga persona sa isang substansiya (hypostasis)". Ang pangkalahatang pinagkakasunduang kahulugan ng ousia sa
Simbahang Silanganin ay "ang lahat ng umiiral sa sarili nito at nang walang pag-iral sa isa pa" bilang salungat sa hypostasis na pinapakahulugan ng mga ito na realidad o pag-iral.