Banal na Sede


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Santa Sede
Ang Santa Sede o Banal na Sede (Latin: Sancta SedesIngles: Holy See) ay ang autoridad ng Simbahang Katoliko sa Roma, kung saan ang kaniyang obispo ay ang Santo Papa. Bilang pangunahing sede ng Simbahang Katoliko, kinakatawan ng Santa Sede ang pamahalaang sentral ng Simbahan, kasama ang mga ahensiya at ibang mga organong pampamahalaan na kinakailangan para sa epektibong pamamahala ng Simbahan sa buong mundo. Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katoliko, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na entidad na may soberanya, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga estado kasama nito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.