Ang
Barbados ay isang pulong bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng
Dagat Caribbean at sa kanluran nito ang Karagatang Atlantic, bahagi ng silangang mga pulo ng Lesser Antilles, kasama ang mga bansang
Saint Lucia at
Saint Vincent and the Grenadines bilang mga malalapit na mga kapitbahay. Nasa 430 km² (166 milya kuadrado) ang sukat nito, at kapatagan ang karamihang bahagi, kasama ang ilang mga matataas na bahagi sa interyor ng pulo. Matatagpuan ito sa 13º hilaga ng
Ekwador at 59º kanluran ng
Prime Meridian, mga 434.5 km (270 milya) hilaga-silangan ng
Venezuela.