Ang
barena o
balibol (Ingles:
drill; mula sa Olandes na
drillen;
brace,
brace and bit,
auger,
gimlet [maliit na barena]) ay isang uri ng kagamitang
pambutas ng mga materyales, at nilalagyan o kinakabitan ng talim ng barena (tinatawag ding balibol;
bit o
drill bit sa Ingles). Karaniwang ginagamit ang kasangkapang ito sa mga gawaing pangkahoy, pangbakal, sa konstruksyon o pagtatayo ng mga gusali, sa
medisina, at iba pa. Mayroon mga
barenang kinakamay (
hand drill) at may
barenang may motor ngunit hinahawakan o sinusuportahan pa rin ng kamay.