Batas ni Coulomb


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Batas ni Coulomb
Ang batas ni Coulomb o batas na kabaligtarang kwadrado ni Coulomb ay isang batas ng pisika na naglalarawan ng elektrostatikong interaksiyon sa pagitan ng mga partikulong may kargang elektriko. Ito ay unang inilimbag noong 1785 ng pisikong Pranses na si Charles Augustin de Coulomb at mahalaga sa pagpapaunlad ng teoriya ng elektromagnetismo. Ang batas na ito ay nagsasaad na "ang pwersa ng atraksiyon o repulsiyon sa pagitan ng dalawang mga puntong karga ay direktang proporsiyonal sa produkto ng magnituto ng bawat karga at hindi direktang proporsiyal sa kwadrado ng distansiya sa pagitan ng mga ito." Ang batas ni Coulomb ay mabigat na nasubukan at ang lahat ng mga obserbasyon ay umaayon sa batas na ito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.