Ang Kaharian ng Belgium (Belhika; internasyunal: Kingdom of Belgium; Olandes: Koninkrijk België; Pranses: Royaume de Belgique; Aleman: Königreich Belgien) ay isang estadong Pederal na nasa patuloy na proseso ng debolusyon. Isa itong bansang nakasulong sa Hilagang-Kanlurang Europa na napapaligiran ng Olanda, Alemanya, Luksemburgo, Pransya, at ang Hilagang Dagat. Mayroon higit sa sampung milyong katao ang Belhika sa may tatlumpung libong kilometro kudwadrong lupain, na naging ika-17 pinakamakapal na populasyong bansa sa buong daigdig. Nasa ikasiyam naman ito sa 2005Mga Nagkakaisang BansaHuman Development Index.