Ang
Belis (
Ingles Belize) ay isang maliit na bansa sa silangang pampang ng
Sentrong Amerika, na matatagpuan sa
Dagat ng Karibe at napapaligiran ng
Mehiko sa hilaga-kanluran at
Guwatemala sa kanluran at timog. Isang parliamentong demokrasya at monarkiyang konstitusyunal ang bansa na kinikilala si Reynang Elizabeth II bilang Soberenya.
Honduras ang pinakamalapit na bansa sa silangan, mga 75 km (47 milya) ang layo sa ibayo ng Gulpo ng Honduras. Hinango ang pangalan mula sa Ilog Belize na pinagbatayan din sa pangalan ng Lungsod Belize, ang dating
kapital at ang pinakamalaking lungsod. Madalas na tawagin itong
Belice sa
Kastila. Sa mahagit isang siglo, naging kolonya ng mga
Briton, nakilala bilang British Honduras, hanggang
1973 at naging malayang bansa noong
1981. Kasapi ang Belize sa Caribbean Community (CARICOM) at Sistema de Integracion Centro Americana (SICA) at tinituring ang sarili bilang parehong taga-
Caribbean at taga-Sentrong Amerika.