Ang
Aklat ng mga Bilang o
Mga Bilang ay ang ikaapat aklat sa
Tanakh at sa
Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa
Pentateuko o
Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa
Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa
Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.