Ang Venezuela /ve·nes·we·la/, na opisyal na tinutukoy bilang Bolivarianang Republika ng Venezuela ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika at bahagi ng Karibeng Timog Amerika. Napapaligiran ng Dagat Caribbean at Karagatang Atlantiko sa hilaga, Guyana sa silangan, Brazil sa timog, at Colombiya sa kanluran. Sa labas ng pampang nito, matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba, ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago. Venezuelan ang tawag sa mamamayan.