Si
Benigno Simeon "Ninoy" Aquino, Jr., mas kilala bilang
Ninoy Aquino o
Benigno S. Aquino, Jr., ay isang
Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa
Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa
Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si
Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong
2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si
Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa
Lungsod ng Makati.