Si
Benjamin , sa
Aklat ng Henesis, ay isang anak na lalaki ni
Jacob, ang ikalawa at huling anak na lalaki ni Raquel (o Rachel), at ang tagapagtatag ng
Israelitang Tribo ni Benjamin. Sa makabibliyang paglalahad, hindi tulad ng unang anak na lalaki ni Raquel na si Jose na ama nina Efraim at Manases, ipinanganak si Benjamin makalipas na marating nina Jacob at Raquel ang
Canaan. Dating tinatawag si Benjamin bilang
Benoni o
Ben Oni na ngangahulugang "anak sa paghihirap". Samantala, may ibig sabihin namang "anak ng kanang kamay" o "anak ng mabuting kapalaran" ang Benjamin.